Tuesday, March 4, 2014

Ang Tunay na Kaibigan

Kaibigang tunay ay laging matapat,
ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

Siya ay mabait at saka marangal
sa lahat ng saglit ay maasahan.

Sa pangangailangan, siyaý laging handa
nang ang kaibigaý hindi mapahiya. 

Siya'y nakalaan kahit na magtiis 
upang mapagbigyan, katotong matalik.

Kaibigang lubos, kaibigang tapat
ay kayamana din ang nakakatulad.

(http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems /poem-about-friendship.html)

Teoryang Moralistiko ang aking gagamitin upang suriin ang tulang ito. Ang Teoryang Moralistiko ay ipinalalala ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentoong maaring paghanuan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namamayagoag ito sa panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.

(http://tlanswers.com/Q/Anu-ano_ang_mga_Teorya_ng_Panitikan)

Sa kabuuan ng tulang ito inilalarawan ng may akda kung ano ang iba't ibang katangian ng isang tunay na kaibigan. Isinaad ng may akda na ang isang tunay na kaibigan ay matapat na laging na sa iyong tabi, laging maasahan at hinding- hindi ka iiwan. Lahat ay kayang gawin ng tunay na kaibigan para lamang sa iyo. Kaibigan ay dapat na pahalagahan at huwag abusuhin. Marapat lamang na suklian rin ng tunay at mabuting pakikitungo ang isang tunay na kaibigan upang balang araw ay hindi siya mawala sa iyo.

:) XOXO :)