Ang Quezon City o mas kilala bilang QC ay ang pinaka malaki at mayamang syudad sa Pilipinas. Halos lahat ng kailangan at gusto mo ay narito na. Nasa syudad na ito ang mga pinaka sikat na istasyon ng telebisyon at ibang istasyon ng radyo, mga pasyalan at malls, restaurants at bars, at iba't ibang uri ng negosyo maliit man o malaki. Sa mga nabanggit ko, halatang malaking tax at pondo ang natatangap ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon.
Laking gulat ko nang mapanood ko sa balita na may bagong babayaran ang mga residente ng QC ngayong taon. Tataas na nga ng malaki ang singil sa kuryente, tataas ang singil sa pamasahe sa dyip at LRT/MRT pagkatpos magbabayad pa kami ng "GARBAGE COLLECTION FEE"?! Anong kalokohan iyan? Napaka laki ng perang nakukurakot este nakokolekta ng local government ng QC sa mga taong naninirahan at nag nenegosyo rito, pagkatapos sa amin pa sisingilin ang gastusing iyon?
Napakalungkot isipin na pagkatpos ng araw ng pasko ay ipinasa na ni Mayor Herbert Bautista bilang isang batas ang ordinansang naglalayong lahat ng residente ng QC ay kinakailangang mag- bayad ng Php100-Php500 para sa koleksyon ng basura. Ang pagka- intindi ko sa batas na ito na napanuod ko sa TV Patrol ay naka- depende ang babayaran ng isang residente sa kung gaano kalaki ang bahay o lupang pag- mamay- ari nila. Ngunit hindi na sisingilin ang mga "Informal settlers". Maganda na hindi nila sisingilin ang mga "informal settlers" pero yung nakadepende pa ang babayaran ng mga residente sa laki ng kanilang lupa, ay hindi patas iyo. Pano kung malaki nga ang lupa ng isang pamilya ngunit kaunti lamang ang basurang nailalabas nila dahil sa wastong waste management na sinusunod nila, samantalang yung mga residenteng maliit nga ang bahay ngunit masyadong maraming basura naman ang tinatapon. Patas ba iyon?
Naiinis ako, sobrang nakakainis ang batas na ito. Pwede bang wag na ito matuloy? Pero kung wala na talagang pag- asang matigil at maibasura ito tatanggapin ko na lamang pero sana, mas maayos at bago ang pasilidad sa pangongolekta ng basura. Dapat bago lahat ang gamit, tulad ng trak at dapat ay bawat lansangan ay may tatlo hanggang apat na malaking "Garbage container" at doon lahat babagsak ang mga basura ng mga residente at doon na lamang kukunin ng mga kolektor ng basura ang aming itinapon.
SA KARAGDAGANG PERANG IBABAYAD NAMIN SANA AY MAGAMIT NG TAMA AT MAAYOS. UTANG NA LOOB DI KAMI NAGSUSUKA O NAGTATAE NG PERA!

-WAKAS-
No comments:
Post a Comment